“Sabi nila, masarap daw magmahal at mainlove. Palagay ko, kulang yun. Mas masarap magmahal at mainlove sa tamang tao na binigay para sayo.”
I’ve been talking to several people this day and all of them seem so in love. Nakakalokang pagka-inlove. Minsan sa tingin ng ibang tao, ang OA na, ang korny na. Pero sa pakiramdam ng mga taong inlove na ito, kulang talaga ang bawat tweet o status sa Facebook para maipamahagi yung saya at gratitude nila sa nararamdaman nilang..ligaya.
Nakakatawa nga isipin na dati, ako talaga ang asar na asar sa mga cheesy posts sa Tumblr, sa Facebook o twitter. Hindi naman kasi talaga ako expressive noon. Kaya nga yung mga officemate ko tinutukso ako. Choosy daw ako sa kung sino ang gusto kong i-express ng love. Pansin daw kasi nila sa ex ko, hindi naman ako showy kapag kaharap sila. Pero ngayon, halos wala na akong bukam bibig kundi si Dreen, si Mr. O. Pati nga seatmate ko sa office, naririndi na sa kwento ko bawat araw. Isipin mo naman kasi, bawat umaga, tanghali, hapon hanggang uwian, hawak ko lang ang BB ko, tapos kikiligin ako at magkekwento sa kanya. Ganun ka-intense yung kilig!
May nakausap din ako ngayon. Isang batchmate. Naghiwalay sila ng boyfriend niya, long-time boyfriend. Long time=more than 5 years. Ganun katindi. Akala ko talaga, yun na e, papunta na dun. Lahat kasi parang ang perfect. Pero nung sinabi niya sakin lahat. Natauhan ako. Hindi talaga sa tagal ng panahon ng relasyon masasabing “siya na” yung para sayo. Kasi kung talagang para sayo yung tao, icococmmit mo yung sarili mo. Sa puso mo mismo, sigurado ka na, na siya na. At kahit anung pagdaanan mo, o ilang selos ang maramdaman mo, kailangan huwag kang papatalo. Dahil ang tunay na nagmamahal, hindi talaga sumusuko. Maghahanap at maghahanap yan ng rason para ipagpatuloy.
“Alam mo ba one time magkausap kami ni Aia, nagpapasalamat ako sa kanya for introducing you to me. Tapos, ayun nagkkwento ako sa kanya. Then tinanong niya ako kung ready na ba ako for marriage. Sabi ko, financially hindi pa, pero emotionally and spiritually I think oo and I wanted to. Ayun, sabi nga niya (and I agreed) na God will provide for that, basta ready na tayo. Then may sinabi siya sa akin na, ‘wag daw papasok sa isang relationship kung hindi pa ready for marriage’. Lagi daw sinasabi yun ng leader niya. Ayun, isa yun sa mga nakatulong sa akin sa major decision ko na I really want this to be the last. Na whatever it takes, I want you to be the last woman. (Hindi ko maalala kung nakwento ko na sayo yan before)”
—-Yan ang recent mesage sakin ni Mr. O ngayon ngayon lang. I think it takes a genuine love to commit to one woman, to commit to loving someone. Pero ang importante talaga sa isang relasyon, hindi lang kayo naka-base sa inyong dalawa lang. Si God pa din dapat ang sentro ng lahat. Kasi siya yung nagdala sa inyo sa isa’t isa. Siya din ang magdadala sa inyo sa kung saan Niya gusto, kung saan niyo gusto, kung yun din ang nilaan Niya para sayo.
Siguro isa sa mga natutunan ko sa 22 years ng buhay ko, ito yung huwag kang sumuko sa kahit na anong tindi ng sakit. Huwag kang tumakbo. O minsan, pwede din namang tumakbo basta alam mo at sigurado kang sa tamang direksyon ka patungo. Kung sumuko siguro ako, kung napanghinaan na ako ng loob, kung nawalan na ako ng gana..hindi ko siguro mararanansan yung ganitong saya. Yung ganitong klaseng pagmamahal. Yung ganitong klaseng pasasalamat.
Natutunan kong maging kuntento. Na kahit bigyan mo ako ng gwapong lalaki na may abs (sobrang kahinaan ko to haha) hindi na ako matitinag. Kasi naramdaman ko na yung masaktan, pero higit sa lahat naramdaman ko nang magmahal ng sobra. Na kahit na anong gwapo ng pisikal na aspeto ng tao, in the end, dun ka pa din sa taong totoo ang laman ng puso.
Hayaan nating si God ang maging driver ng buhay natin. Hayaan natin na tanggalin Niya lahat ng sakit, lahat ng takot at pangamba. Ibigay natin lahat sa Kanya. In the end, makikita mo, that His will for you is good, pleasing and perfect.
-
torpetips liked this
-
kapirasongparadiso liked this
-
jemmy-reffic said:
“Natutunan kong maging kuntento. Na kahit bigyan mo ako ng gwapong lalaki na may abs (sobrang kahinaan ko to haha) hindi na ako matitinag. ” — nakoo tama. karamihan ito ang kahinaan. ha ha
-
joenahlalalove liked this
-
jemmy-reffic liked this
-
supermish posted this

