Masarap mag-blog dahil masarap ung pakiramdam na may binabalik-balikan kang memorya ng nakaraan na makakatulong sa iyong kasalukuyan.

Dati talaga nag-sign-up lang ako sa blogger para may magawa kapag wala akong magawa. That makes sense. Anyway, sulat lang ako sulat ng kung ano-ano. Kwento dun, kwento dito. Kahit wala naman talagang bumibisita sa blog ko na yun, at kahit walang mga nagcocomment, keri lang. Gusto ko lang naman magkwento. Ngayong araw, binalikan ko ulit yung blog ko na yun, pati na din ung site ni Mr. O. Nakakatawa. Ang kyut niya magkwento. Ang bongga lang din ng wisdom niya! Idol!

—————-

Lumawak na ang mundo ng blogging. Dumami ang sites na nag-ooffer para dito. Kasabay nun, dumami na din yung mga sites kung saan ako nagba-blog. Nakakalito na nga minsan.

Merong  Livejournal, Multiply, Facebook Notes, Friendster (nakalimutan ko na password ko dito), Blogger, Tumblr at Wordpress at sandamakmak pa na hindi ko na inalam. Lahat ng sinabi kong yan, may account ako. hahaha. Time mo lang Supermish/dot/site, yun na.

Dati, balewala sakin kahit na sabog-sabog ang tema ng blog ko. Kwentong anik-anik, pictures, fashion, food. Kahit ano. Go. Ang saya pala balikan nung mga un. Kung paano ka magsulat dati, kung paano ka magkwento. Ang bata. Ang sarap maging bata. Ang sarap bumalik sa pagkabata.

Kapag nagkaanak talaga ako, imumulat ko siya sa mundong ng blogging pagdating nya ng 13 y/o. Kapag highschool na siya. Gusto kong isulat niya lahat ng experiences niya. Naniniwala kasi ako, na sa pagtanda mo, yung mga natutunan mo nung mga bata ka pa ay may malaking maitutulong sayo, kahit na 10 years older ka na from the day na sinulat mo yun. Totoo. Naaamaze nga ako na “Nasabi ko un?” “Naisip ko yun?” True enough, a child’s wisdom should never be underestimated :)

1 month ago on 01/19/12 at 11:44pm
  1. supermish posted this