Not a perfect guy but he’s the one perfectly made for you.
Naniniwala talaga ako na walang taong perpekto, pero may taong nakalaan para sayo, yung tipong tamang-tama, swak na swak para sayo.
——
Contentment. Dati talaga hindi ko magawang i-master yang contentment na yan e. Lagi akong naghahanap ng butas, laging parang may kulang kahit na buong-buo namang binibigay sakin ang lahat. Laging kapag may bagong dumadating, iniiwan ko yung luma. Pero sa huli, kapag nawala na ulit yun bago..babalik ulit ako sa iniwan ko. Ganun ang buhay ko dati. Kaya nabansagan akong heart breaker kahit na hindi naman talaga. Natutukso lang din akong pumatol sa mga kachorvahan ng mga lalaki sa paligid ko. Hehehe.
——
Darating ka pala talaga sa point ng buhay mo na may makikilala kang gigising sa’yo. Sisindihan yung fire sa puso mo, lilinawin sa isip at puso mo kung ano talaga ang gusto mo. Tinuturuan ka ng mga bagay na dati’y hindi mo alam kung paano gagawin, mga bagay na nahihirapan kang gawin. Tutulungan kang magbago, dadalhin ka sa mga bagay na makakapagpabago sayo.
——
Isa sa pinakamasayang naramdaman ko to sa loob ng 22 years ng buhay ko. Yung mahanap yung isang taong swak na swak para sakin. Higit pa sa hiniling ko, higit pa sa inakala ko.
-
akoangtunaynaboypulbo liked this
-
supermish posted this