Supermish

lover of life

  • 24th January
    2012
  • 24

A Happy Heart

Nag-fefeeling emo ako today. Kasi naman itong kanta na pinapatugtog ng officemate ko since kanina.

————

Bale nung Monday, pumunta si ex sa bahay habang nandun din si Dreen. Kung tatanungin mo ako kung anong naramdaman ko nung araw nay un, hmm, masaya. Oo. Masaya. Kasi it means, okay na din sa part niya. Ako kasi masayang-masaya na at kaya ko na din harapin ang lahat, maging ang mga taong naging parte ng buhay namin pareho. And that day, when he took the courage to face my family after all the things happened only proves na he’s over everything, and it gives my heart a smile.

Ang saya lumakad sa kasalukuyan papunta sa hinaharap ng wala ka nang agam-agam na naiiwan sa nakaraan. Ang saya sa pakiramdam na sa kabila ng lahat ng sakit, poot at galit, pareho na kayong masaya sa kasalukyan nyo. Aaminin kong nandun pa din yung galit ko sa kanya, sa mga ginawa at sinabe niya sa akin, pero mas malaki ang lugar sa puso ko na maging masaya para sa kanya ngayong pinakita na niya sa lahat yung babaeng nagpapasaya sa kanya.

Masaya ako ngayon. Dahil na din siguro nung nakita ko siya, nagawa kong ngumiti sa kanya ng walang halong kaplastikan. Hindi naman kasi biro ang pinagdaanan at pinagsamahan namin. Kaya nakakatuwa na kahit papaano, nagawa ko pa ding i-let go yung galit ko sa kanya.

Siguro nga, dahil sa tunay akong masaya kay Mr. O at lalo na’t nakikilala ko ang tunay na katangian ni God recently kaya nagagawa ko ding magpatawad, maging masaya at makalimot. Ang gaan sa pakiramdam na ang dali i-let go lahat ng mga bagay dahil masaya ka, dahil punong-puno ka ng mga bagay na ipinasasalamat mo. Tunay nga, na a happy heart can give everything freely. Yung tipong kahit galit pa din sila sayo, basta ikaw sa sarili mo, napatawad mo na sila maging ang sarili mo. Yun naman talaga ang importante – yung mga bagay na ginagawa mo para sa ibang tao, may kapalit ka mang matanggap o wala.

Nagpapasalamat talaga ako na natutunan ko itong mga bagay na ito. Isipin mo na lang siguro ang isang taong punong-puno ng galit at inggit sa puso niya, kung saan siya patutungo. Nakakatakot isipin. Ang dami kasing pwedeng magbago sa tao kapag nagpadala siya sa mga bagay na ganito.

Just sharing the good feeling. Masaya maging masaya, kasi lahat ang gaan-gaan sa pakiramdam. Lahat ang dali-daling dalhin, kahit na gaano siya talaga kabigat.

Just remember who God is, what He has done, what He is capable of doing..you’re good to go.

  1. supermish posted this