Gene and Celine
05.08.2012
Nice work for Andrei, a 17-year old student from San Beda. Husay ng batang ito! Great potential!
For his works, please visit his youtube channel here :)
Gene and Celine
05.08.2012
Nice work for Andrei, a 17-year old student from San Beda. Husay ng batang ito! Great potential!
For his works, please visit his youtube channel here :)
Nakikinig ako ngayon ng Butterfly Kisses. Kanta ng magulang sa ikakasal na anak. Nakakaiyak. Lalo na yung thought na, one day, I’ll be leaving home to create my own family.
Despite my brat attitude, I love my parents and I owe them a lot. So before I’m gonna get married next year, I’ll make sure to return them the love and effort they have shown me. At pangako, I would still be there, as their baby girl :)
“sa kwento mo, nararamdaman ko din na ang sarap sarap makilala ang taong mahal ka.
Or maybe because of you and dreen, nananatili akong naniniwala na may true love and genuine happiness despite sa masasakita na past.”
——-
“And it doesn’t matter if I’m not your first love… I just want to be your last.”
——-
Yan lang ang kaya kong i-share sa mga napag-usapan namin ng best friend ko at ni Mr O. Nagsimula ang lahat sa isang link ng wedding photos.
Aaminin kong takot talaga ako sa kasal. Kahit na hopeless romantic ako, at may dream wedding ako, hindi ko pa din ginusto na makasal. Siguro kasi takot akong matali at hindi magawa yung mga bagay na nagagawa ko ngayon. Hindi ko nga alam kung naplanuhan ba namin yun dati. Siguro naisip, pero yung detalyadong plano..hindi e. Hindi gaya ng ngayon. Yung tipong sinimulan mo nang disiplinahin ang sarili mo sa pag-iipon, kontrolin ang sarili mo at pag-aralan ang mag-budget at magtipid. Nagising ka nalang isang araw, may desire sa puso mong maghanda na para sa hinaharap.
Spiritually speaking, gusto ko din munang maging matured kami pareho. Yun kasi ang pinakamagandang foundation ng kahit na anong relationship. Kapag si God ang sentro ng lahat, kapag pareho nyong mahal ang Diyos, sa tingin ko lahat kaya nyong pagdaananan. Kung may takot kayo pareho sa Kanya, hindi kayo masisira.
Ang saya ng ganitong pakiramdam ano? Yung alam mong nasa tamang relasyon ka. Isang relasyon na kaya mong maging ikaw. Kaya mong ipakita lahat ng kahinaan at kalakasan mo ng walang pag-aalinlangan. Yung kaya mong maging selfless kasi alam mong lahat ng binibigay mo, may napupuntahan. Yung tipong alam mong bawat galaw mo at nararamdaman mo, ganun din sa kana o higit pa.
Kung pwede ko lang isulat sa libro ang kwento ko, para lang masabi sa buong mundo na masarap magmahal at maramdamang minamahal ka din, gagawin ko e. Para lang masabi sa lahat ng taong napagdaanan, pinagdadaanan yung mga nangyare sakin na “Don’t give up, God is a loving God, He made the best man / woman for us”. Ganun.
Basta magugulat na lang siguro ako sa isang araw, gigising akong suot na ang dream wedding gown ko at ikakasal kay Mr. O.
Sa ngayon, maghahanda muna ako para sa araw na yun :)
Goodnight!