Supermish

lover of life

  • 18th January
    2012
  • 18

Meet the brother

When Kuya asked if we could have dinner, I had my doubts. Mainly because I’m really scared of him. Sa lahat ng kapatid ko, siya yung nakakapagpasunod talaga sakin. There’s something in him that makes me hate him. Chos. Seriously, si kuya kasi yung kapag nagsalita, tatamaan ka. Guess I had his wisdom. Sobrang idol ko to e. Sobrang laki ng pinagbago niya. We used to share room together. Kaya sa kanya ko sinisisi ang pagiging boyish ko dati at pagkahilig NOON sa rock music at basketball.

Anyway, nung sinabi niya na he wants to meet Dreen, natuwa ako. When Borgy and I broke up, he told me na wag na munang magboyfriend. Pero when I finally did have a new one, he just told me he trusts me and my taste to boys. He knows na when I say yes to a guy, he’s one good guy. Kaya kalmado na din ako.

During dinner, I didn’t feel any tension at all. Sobrang gaan lang ng usapan. Unlike I used to feel in the past. This time I can say, he approves. This time I can say, he likes Dreen. Maybe because he saw how my heart has changed since there’s someone pushed me to the things na dati siya lang ang gumagawa.

I consider Dreen as my new Kuya Sonny. Si Kuya kasi yung tinatawagan ko kapag nag-aaway parents ko. Siya yung kakwentuhan ko kapag may mga achievements ako. Siya yung kasama ko magsimba at magkwentuhan about how faithful God is. Siya yung parang boyfriend ko nun. Pero ngayong may asawa na siya, God gave me a man just like him. Yung tipong tatakbo papunta sakin pag kailangan ko ng maiiyakan sa tuwing nag-aaway ang mga magulang ko. Isang tao na nag-eencourage sakin magsimba sa tuwing tinatamad ako. Isang tao na nasasabihan ko ng mga bagay na nasasabi ko nun sa kuya ko.

Eto pa ang weird. Ang dami nilang mannerisms na pareho. Una, ubo ng ubo. Yung ubo na wala naman talaga pero maiubo lang. Pangalawa, the way they talk at magkwento, Parang pareho sila ng tono. Third, wisdom. PAg silang dalawa nagsalita, puro positive talaga maririnig mo. Pang-apat, hand movements pag nagkekwento. Laging ginagamit ang mga kamay at daliri nila sa pagkwekwento.

Naniniwala talaga ako na hindi ka bibigyan ni God ng perfect na tao, kasi wala namang ganun. Pero asahan mo na ang ibibigay Niya sayo, eh yung taong talagang perfect para sayo.

Thank you Lord. :) Masayang-masaya talaga ako. :)