Posts tagged 'mr. o'

How can you fully unlove someone?

April 17, 2014 / 7 ♥

Sabi nila, di mo daw pwede “i-unlove” ang isang tao. Kasi deep within your heart, mahal mo pa din sya. Ibang klase na nga lang. Pwede love as in CARE. Or love as in FRIEND or kakilala or parte ng nakaraan mo.

Sabi naman nila kapag sobrang nasaktan ka nya, magagawa mo ding tigilan na mahalin siya.

Sabi naman nila kapag nakita mo na syang may kasamang iba o masaya sa iba..marerealize mo na dapat mo na din talaga syang kalimutan at tigilang mahalin.

O ang pinakamalupet, mapapagod ka din. Sa kakaasa at kakaiyak.

Pero bakit sa’yo, kahit sobrang sakit na, kahit sobrang sampal na sa mukha ko na sya at hindi ako nag laman ng puso mo, kahit sobrang pagod na pagod na akong umasa at umiyak…bakit nandito pa din ako? Bakit ikaw pa din?

Sinubukan ko namang lumabas. Palawakin ang mundo ko. Makipagkilala at makipagdate. At sa tuwing ginagawa ko yun, iisa lang ang naiisip ko. Pakiramdam ko nagtataksil pa din ako sayo.

Inisip ko nga, gusto nga ba talaga kitang kalimutan? Kasi diba kung gusto naman, may paraan? Hindi ko na din talaga alam pa kung ano ang gusto ko. Ang alam ko lang, kahit gaano ako nasasaktan ngayon, sa pagdaan ng araw, sa paglipas ng mga oras, sa pagtulog sa gabi, ikaw pa din ang huling maiisip ko. Ikaw pa din ang taong pinapangarap ko.

Di naman talaga unfair ang mundo e. Kaya ako nasasaktan ngayon ay dahil choice ko pa din na piliin ka. Pwede ko namang baguhin lahat ng yun. Pero wala e. Love is a decision nga diba? And I always decide to love you, inspite of and despite of.

Miss na kita Mr. O. Sana magawa ko na ding kalimutan ka.

Tagged with: mr. o ·
April 17, 2014 / 3 ♥

If you’re still there…somewhere…reading this blog of mine that was used to be dedicated for you…I just want to let you know that I’m still here. Waiting for you. Loving you. And hoping that one day, you would look into my eyes again and tell me…You miss being with me. That you want to be with me again.

Is it pathetic? Yes. But I cannot help it. Deep inside, it’s you I really want. It’s still you.

And I hope one day, you would find within yourself that it’s still me.

I miss you. So much.

Tagged with: mr. o ·
April 08, 2014 / 8 ♥
I am not okay with the fact that you are no longer mine..but I have come to a point where I have accepted it.

But everytime my eyes see you, my hands hold you,our feet cross and you hug me from behind even if you are not aware of it..I can’t help but wish that that moment could last at least until infinity.

I want you to know that I am no longer hoping that you would come back..but I am also not moving on from you. Because I don’t want to. And it’s my choice. No matter how much it has hurt me, still…loving you gives me joy. It makes me alive.

I hope one day, all this pain could make sense. And maybe it would. Until then, I would just enjoy this moment. The remaining moments I would have with you by my side.

I love you. I still do. And I don’t think I would ever stop.

I am not okay with the fact that you are no longer mine..but I have come to a point where I have accepted it.

But everytime my eyes see you, my hands hold you,our feet cross and you hug me from behind even if you are not aware of it..I can’t help but wish that that moment could last at least until infinity.

I want you to know that I am no longer hoping that you would come back..but I am also not moving on from you. Because I don’t want to. And it’s my choice. No matter how much it has hurt me, still…loving you gives me joy. It makes me alive.

I hope one day, all this pain could make sense. And maybe it would. Until then, I would just enjoy this moment. The remaining moments I would have with you by my side.

I love you. I still do. And I don’t think I would ever stop.

Tagged with: mr. o ·

1.Unang-una mo dapat malaman sa kanya ay MAS MATAAS ANG FEMALE HORMONES NYA KESA SA MALE HORMONES. Bukod sa wala syang adam’s apple…MAS MADALAS SYANG MAG-PMS kesa SAYO. Habaan ang pasensya. Kailangan mo yun, promise.

2. Kahit gaano ka kainis, huwag na huwag mo syang sisigawan. Ayaw na ayaw nya yun. Hangga’t maari, kung galit ka, kausapin mo sya ng kalmado ka. Kasi sya din, di ka nya sisigawan.

3. AT kung mag-aaway kayo, wag na wag kang magsasabi ng mga madadramang linya. Una akala mo nakikinig sya, pero ang totoo, kinakabisado pala nya ang linya mo at gagayahin nya pati tono mo..maasar ka lang. Kapag ginawa na nya yun, ibig sabihin bati na kayo. :)

4. Kailangan mong ifamiliarize ang sarili mo sa 4 na hayop — Owl, dolphin, peacock at panther. :)

5. Pati na din pala sa tatlong thinking style — visual, auditory at feeler.

6. Introvert sya kapag kaharap ang mga ibang tao. Kapag ipapakilala mo sya sa mga kaibigan mo at pamilya, di sya pala-salita. Hayaan mo lang, ganun lang talaga sya. :)

7. Dahil kapag kayo nalang dalawa, sobrang extrovert naman nya. Palakwento. Pala-asar. Tawa lang kayo ng tawa.

8. Bading nga pala sya. Madami syang alam na kabaklaan sa mundong to. At di sya mahihiyang ipakita yun sa mundo.

9. Allergic sya sa hipon, bagoong at itlog na hindi masyadong luto. O sa mga malalansa. Mana sa mama nya. Lagi niyang hahanapin sayo yung pamahid nya sa mga allergies nya kahit na sya naman talaga ang nagtabi nito.

10. Oo nga pala, madalas ikaw ang GPS nya. Dapat handa mo syang tulungang hanapin ang mga gamit nya. Makalat kasi talaga sya.

11. At wag na wag mong aayusin ang kalat nya na yun. Ang dahilan nya? Kahit makalat, alam nya kung saan nya ikinalat..alam nya kung saan nya babalikan. Nakakaasar diba? Pero mamahalin mo din yun.

12. Sobrang ma-budget sya. Isang bagay na sobrang natutunan ko sa kanya.

13. At sobrang adik din nya sa raket. Suportahan mo lang. At parang awa mo na, wag mong sabayan ang stress nya. Cheer him up when he’s stressed out. Which is like…every week. Isang bagay na di ko nagawa sa kanya.

14. Ayaw nya ng clingy. Hangga’t maari, bigyan mo sa kanya ang “ME” time nya.

15. Masarap sya magluto..ng chospseuy, adobo, sinigang, at nilaga. 4 na putahe na palagi nyang lulutin para sayo.

16. Kamutin mo sya kapag matutulog kayo together. Yun kasi talaga ang pampatulog nya.

17. Hindi sya mahilig magbigay ng bulaklak o magregalo ng mamahalin. Pero kapag niregaluhan ka nya, sobrang maaappreciate mo. Dahil alam mong sobrang pinaghandaan nya iyon. Sa kanya ko talaga naaapply yung “It’s the thought that counts” eh.

18. Seloso sya. Di nya lang talaga yun aaminin sayo.

19. Madami talaga syang kaibigang babae. Handa ka dapat kontrolin ang selos mo, kung selosa ka man.

20. Alam kong nakakaasar na minsan ang pagka-vain nya sa katawan nya, pero ito ang isa sa pinakamalaking achievement nya sa buhay nya. Suportahan mo sya. Sumama ka sa gym nya at maging photographer nya. Sumama ka sa pagtakbo nya. Samahan mo sya sa journey nya na ito. Dahil dugo at pawis ang pinuhunan nya para makamit ang pangarap nyang katawan.

Travel together. Talk. Communicate.

And alagaan mo sya. Kahit parang akala mo kaya nya ang sarili nya, alagaan mo pa din sya. Mahalin mo kahit gaano man sya maging bugnutin. Makinig ka sa kwento nya. Kilalanin mo ang pamilya nya. Dalawin nyo palagi ang mga magulang nya at mga tito at tita nya. Kaibiganin mo ang mga kaibigan nya. Masaya ang mundo nya. Hinding-hindi mo pagsisihan na naging parte ka nito..dahil madami kang maeexperience. Madami kang matututunan.

Mahalin mo sya. Mahalin mo lang sya.

Tagged with: mr. o ·
1 2 3 4 5