Supermish

lover of life

  • 30th January
    2012
  • 30

Pamatay sa kilig.

Kagabi, nanonood ako ng Gandang Gabi Vice habang nag-popost-process ng mga photos. Si Mr. O naman, nakatulog na sa tabi ko. Nakatalikod siya sa akin, nakaharap sa wall…nang biglang..

Dreen : I love you Mish.

Tinignan ko siya, pero tulog siya. Hinawakan ko yung mukha nya to assure myself na tulog talaga siya, kasi kinikilig talaga ako. At yun nga, seryosong tulog siya.

Pagkagising niya, sinabi ko sa kanya na nagsalita siya nung natutulog siya. D niya talaga namalayan. Lalo na naman akong kinilig.

Di ko alam kung paano nabubuo ang panaginip. Pero nakakatuwa na hanggang sa pagtulog niya, sinasabi niya pa ding mahal niya ako. Hanggang sa panaginip niya, pinaparamdam niya pa ding realidad kami, na mahal niya ako at mahal ko siya.

Ang korny man pakinggan o basahin (ng blog na ito) pero wala lang, nakakatuwa lang talaga yung gabi na yun. Bihira lang mangyare na nagsasalita si Mr. O sa pagtulog, madalas kasi humuhilik lang siya. Kaya yung mga ganitong moment, sobrang priceless talaga :)

  • 13th August
    2011
  • 13