Supermish

lover of life

  • 26th January
    2012
  • 26

Isang nakakaiyak na gabi ang nagdaan.

sa kwento mo, nararamdaman ko din na ang sarap sarap makilala ang taong mahal ka.  Or maybe because of you and dreen, nananatili akong naniniwala na may true love and genuine happiness despite sa masasakita na past.”

——-

And it doesn’t matter if I’m not your first love… I just want to be your last.”

——-

Yan lang ang kaya kong i-share sa mga napag-usapan namin ng best friend ko at ni Mr O. Nagsimula ang lahat sa isang link ng wedding photos. 

Aaminin kong takot talaga ako sa kasal. Kahit na hopeless romantic ako, at may dream wedding ako, hindi ko pa din ginusto na makasal. Siguro kasi takot akong matali at hindi magawa yung mga bagay na nagagawa ko ngayon. Hindi ko nga alam kung naplanuhan ba namin yun dati. Siguro naisip, pero yung detalyadong plano..hindi e. Hindi gaya ng ngayon. Yung tipong sinimulan mo nang disiplinahin ang sarili mo sa pag-iipon, kontrolin ang sarili mo at pag-aralan ang mag-budget at magtipid. Nagising ka nalang isang araw, may desire sa puso mong maghanda na para sa hinaharap.

Spiritually speaking, gusto ko din munang maging matured kami pareho. Yun kasi ang pinakamagandang foundation ng kahit na anong relationship. Kapag si God ang sentro ng lahat, kapag pareho nyong mahal ang Diyos, sa tingin ko lahat kaya nyong pagdaananan. Kung may takot kayo pareho sa Kanya, hindi kayo masisira. 

Ang saya ng ganitong pakiramdam ano? Yung alam mong nasa tamang relasyon ka. Isang relasyon na kaya mong maging ikaw. Kaya mong ipakita lahat ng kahinaan at kalakasan mo ng walang pag-aalinlangan. Yung kaya mong maging selfless kasi alam mong lahat ng binibigay mo, may napupuntahan. Yung tipong alam mong bawat galaw mo at nararamdaman mo, ganun din sa kana o higit pa.

Kung pwede ko lang isulat sa libro ang kwento ko, para lang masabi sa buong mundo na masarap magmahal at maramdamang minamahal ka din, gagawin ko e. Para lang masabi sa lahat ng taong napagdaanan, pinagdadaanan yung mga nangyare sakin na “Don’t give up, God is a loving God, He made the best man / woman for us”. Ganun.

Basta magugulat na lang siguro ako sa isang araw, gigising akong suot na ang dream wedding gown ko at ikakasal kay Mr. O.

Sa ngayon, maghahanda muna ako para sa araw na yun :)

Goodnight!

  • 24th January
    2012
  • 24

Mixed Emotions!

Gusto kong sumigaw!!!

Yung tipong halo-halo na yung nararamdaman mo sa mga bagay-bagay na nangyayare sa paligid mo. Hindi ko ma-idetalye ng maayos pero soon, I can share it with the whole world.

Basta lahat ata ng emosyon nararamdaman ko ngayon, pwera lang ang lungkot at takot. Nandun ang kaba, pero more than kaba, nandun ang excitement.

Ganito pala ang pakiramdam ng tumatanda, nang paghahanda para sa hinaharap, para sa buhay na hinahanda ng Diyos para sayo. Dati medyo malabo pa ang lahat. Pero ngayon, every aspect, every angle, every single detail has been telling us what is really in store for the both of us. Ang galing na na-di-discern ko what God wants to tell us. Nung Sunday pa kami iyak ng iyak, na parang mga bata, dahil sa mga ipinapahiwatig samin ni Lord. This may sound weird to many, pero totoo! More than being weird, it’s really magical!

Grabe!!! Nawawala ako sa sasabihin ko talaga. Ang alam ko lang ngayon, gusto kong sumigaw sa sobrang halo-halo ng nararamdaman ko. Gusto kong umiyak! Happy tears! Gusto kong tumakbo papunta sa isang lugar na tahimik at umiyak sa Kanya, magpasalamat at humingi ng gabay.

Haaaaaaaaay.Sorry ang sabaw ng post ko!

  • 24th January
    2012
  • 24

A Happy Heart

Nag-fefeeling emo ako today. Kasi naman itong kanta na pinapatugtog ng officemate ko since kanina.

————

Bale nung Monday, pumunta si ex sa bahay habang nandun din si Dreen. Kung tatanungin mo ako kung anong naramdaman ko nung araw nay un, hmm, masaya. Oo. Masaya. Kasi it means, okay na din sa part niya. Ako kasi masayang-masaya na at kaya ko na din harapin ang lahat, maging ang mga taong naging parte ng buhay namin pareho. And that day, when he took the courage to face my family after all the things happened only proves na he’s over everything, and it gives my heart a smile.

Ang saya lumakad sa kasalukuyan papunta sa hinaharap ng wala ka nang agam-agam na naiiwan sa nakaraan. Ang saya sa pakiramdam na sa kabila ng lahat ng sakit, poot at galit, pareho na kayong masaya sa kasalukyan nyo. Aaminin kong nandun pa din yung galit ko sa kanya, sa mga ginawa at sinabe niya sa akin, pero mas malaki ang lugar sa puso ko na maging masaya para sa kanya ngayong pinakita na niya sa lahat yung babaeng nagpapasaya sa kanya.

Masaya ako ngayon. Dahil na din siguro nung nakita ko siya, nagawa kong ngumiti sa kanya ng walang halong kaplastikan. Hindi naman kasi biro ang pinagdaanan at pinagsamahan namin. Kaya nakakatuwa na kahit papaano, nagawa ko pa ding i-let go yung galit ko sa kanya.

Siguro nga, dahil sa tunay akong masaya kay Mr. O at lalo na’t nakikilala ko ang tunay na katangian ni God recently kaya nagagawa ko ding magpatawad, maging masaya at makalimot. Ang gaan sa pakiramdam na ang dali i-let go lahat ng mga bagay dahil masaya ka, dahil punong-puno ka ng mga bagay na ipinasasalamat mo. Tunay nga, na a happy heart can give everything freely. Yung tipong kahit galit pa din sila sayo, basta ikaw sa sarili mo, napatawad mo na sila maging ang sarili mo. Yun naman talaga ang importante – yung mga bagay na ginagawa mo para sa ibang tao, may kapalit ka mang matanggap o wala.

Nagpapasalamat talaga ako na natutunan ko itong mga bagay na ito. Isipin mo na lang siguro ang isang taong punong-puno ng galit at inggit sa puso niya, kung saan siya patutungo. Nakakatakot isipin. Ang dami kasing pwedeng magbago sa tao kapag nagpadala siya sa mga bagay na ganito.

Just sharing the good feeling. Masaya maging masaya, kasi lahat ang gaan-gaan sa pakiramdam. Lahat ang dali-daling dalhin, kahit na gaano siya talaga kabigat.

Just remember who God is, what He has done, what He is capable of doing..you’re good to go.